Kalabaw

  Inspired by a true story ng isang batang mahilig maglaro.

Si Ben ay mahilig maglaro kasama ang kanyang mga kapitbahay na kalaro.

Ang mga laro nila ay "taksing tansan", "tumbang preso", "patintero", "taguan", "sigkeng", "syatong", "palsuot", "pinnaway tsinelas', "habulan", "goma", "teks" at marami pang iba.

Ang tatay ni Ben ay isang magsasaka.

Meron silang isang kalabaw na ginagamit sa pag-aararo.

Ang kalabaw ay ipapastol sa umaga mga alas 6 sa may mga damo para kumain, at kukunin ang kalabaw mga alas 9 dahil mainit na ang sikat ng araw bago magtanghali.

Papaliguan sa ilog ang kalabaw bago iuwe sa bahay.

Masaya si Ben lagi sa paglalaro.

At masaya rin sya sa pagpapastol ng kalabaw dahil gustung gusto nyang sumakay sa kalabaw.

At gustung gusto rin ni Ben maligo sa ilog kasama ang kalabaw.

Itinuring na rin ni Ben na kaibigan at kalaro ang kanilang kalabaw.

Ang kalabaw naman ay mahalata mong natutuwa sa tuwing lalapit na si Ben, sa tuwing ipapastol, paliliguan sa ilog at sa tuwing sasakay si Ben sa kalabaw.

Isang araw ay hindi namalayan ni Ben ang oras dahil sa paglalaro ng "teks" dahil lagi syang panalo.

Nalaman nyang alas 10 na ang oras at mainit na ang sikat ng araw.

Agad na tumakbo si Ben papunta sa bukid kung saan nakapastol ang kanilang kalabaw.

Malayo pa lang ay nakita na ni Ben ang kanilang kalabaw na hirap na hirap na sa init ng araw, at gusto ng kumawala sa pagkakatali sa kanya, at paikot ikot na ang kalabaw.

Ang kalabaw naman ay napatingin agad kay Ben kahit malayo pa ay naramdaman na ng kalabaw na paparating na si Ben.

Tumigil na sa pag-ikot ang kalabaw at halatang natutuwa sa papalapit na si Ben.

Nakatingin ang kalabaw kay Ben habang patuloy sa pagtakbo si Ben papalapit sa kanya.

Nagkatinginan ang kalabaw at si Ben nang malapit na sila sa isa't isa.

Papunta na sila sa ilog.

Hindi na sumakay si Ben sa kalabaw dahil bumilis ang lakad ng kalabaw na parang gusto ng tumakbo para makarating agad sa ilog.

Tumakbo si Ben habang hawak hawak ang tali ng kalabaw.

Sumunod din ng takbo ang kalabaw.

Nakarating agad sila sa tabi ng ilog.

Bumilis ang takbo ng kalabaw pababa sa ilog.

Tuwang tuwa na ang kalabaw dahil naliligo na sya sa ilog.

Magkasama ng naliligo ang kalabaw at si Ben.

Kahit natutuwa ang kalabaw na naliligo ay napansin ni Ben na nagtatampo sa kanya ang kalabaw.

Dati rati pag hinahaplos ni Ben ang katawan ng kalabaw at binubuhusan ng tubig ay naririnig nya ang tinig ng kalabaw na natutuwa na gustong makipaglaro.

Ngunit hindi kumikibo at walang maririnig na tinig ang kalabaw.

Kinausap ni Ben ang kanyang kalabaw at humingi sya ng pasensya at pangakong hindi na mauulit.

Tumingin ang kalabaw kay Ben at may narinig na syang tinig na parang sinabing pinapatawad na kita at sana hindi na mauulit.

Niyakap ni Ben ang kanyang kalabaw.

Sumakay na uli si Ben sa kanilang kalabaw pauwe sa kanilang bahay.

Simula noon ay hindi na nalilimutan ni Ben ang pangako nya sa kanilang kalabaw.

Wakas.

"Huwag pabayaan ang mga alagang hayop dahil sila ay nasasaktan din"

"Tuparin ang pangako kung katumbas ay kasiyahan" 













Comments