Tsinelas

  Inspired by a true story ng batang pinagtatawanan dahil ang tsinelas ay luma na at may nakalagay na alambre sa ilalim ng tsinelas.

Si Marlon ay mabait na bata. Kahit lagi syang tinutukso ng mga kalaro nya ay hindi sya nagagalit.

Nahiya rin syang makipaglaro tulad ng "tumbang preso" dahil sira na ang kanyang tsinelas. Nilagyan ng tatay nya ng alambre ang ilaim ng kanyang tsinelas.

Nakita ni Marlon si Andong na walang suot na tsinelas, nakapaa lang sya kaya pingtatawanan din sya ng mga kaklase nila.

Si Andong ay kaklase ni Marlon. Magkaibigan sila. Pareho kasi silang mahirap. 

Sabi ni Andong kay Marlon ay wala pa raw pambili ng tsinelas ang nanay nya.

Ibinigay ni Marlon ang lumang tsinelas nya na may alambre kay Andong. 

Tinanggap naman ni Andong ang lumang tsinelas na may alambre at tuwang tuwa dahil hindi na sya nakapaa.

Sabi kasi ni Marlon ay nagpunta na raw ang nanay nya sa palengke para bumili ng bagong tsinelas.

Pag-uwe ni Marlon sa bahay nila ay nakasalubong agad nya ang nanay nya at ibinigay agad ang bagong tsinelas.

Tuwang tuwa si Marlon sa bagong tsinelas nya.

Sumasali na si Marlon sa mga laro tulad ng "tumbang preso" kaya tuwang tuwa sya.

Nakita nya si Andong na nanonood.

Nilapitan nya si Andong at sinabing gusto mo bang maglaro hiramin mo muna ang tsinelas ko.

Sabi ni Andong ay masaya na ako habang pinapanood kitang naglalaro. 

Araw ng Sabado, walang pasok si Marlon, inutusan sya ng tatay nya na kunin ang kalabaw sa bukid at paliguan sa ilog.

Tuwang tuwa si Marlon dahil makakaligo sya sa ilog.

Nasa ilog na si Marlon kasama ang kanyang kalabaw.

Sabay silang naligo ng kalabaw.

Tapos na silang naligo ng kalabaw nang mapansin nyang nawawala ang isang pares ng tsinelas nya na nakalagay sa gilid sa may tabi ng malaking bato.

Inisip kaagad ni Marlon na naanod ang isang pares ng tsinelas nya.

Natanaw nya ang isang pares ng tsinelas nya na naaanod at masyado ng malayo. Natakot na syang habulin ang tsinelas dahil sabi ng tatay nya ay may malalim daw sa baba ng ilog kaya huwag syang pupunta.

Hawak ni Marlon ang kapares ng tsinelas nya at hinagis din nya sa baba ng ilog para maanod.

Inisip ni Marlon na hindi na mapakinabangan ang kapares ng tsinelas nya kaya nya hinagis na rin at hiniling na sana ang makakuha ay nangangailangan ng tsinelas.

Umuwe na si Marlon kasama ang kanyang kalabaw.

Ipinagtapat nya agad sa nanay nya na ang tsinelas nya na kabibili pa lang ng limang araw ay naanod sa ilog ang isang pares at pinaanod na rin nya ang kapares para mapakinabangan ng makakuha.

Hindi nagalit ang nanay kundi humanga sa kwento ni Marlon. Sabi ng nanay ay bibilhan na lang kita uli kasi maganda ang mga pananim ngayon kaya malaki ang kita natin sa bukid.

Araw ng Lunes.

May bago na uling tsinelas si Marlon na bagong bili ng nanay nya.

Nagkita sila ni Andong sa paaralan.

Nagulat si Marlon at natuwa dahil ang nakakuha ng naanod nyang tsinelas ay si Andong.

Sabi ni Andong ay nagpapaligo rin daw sya ng kalabaw at napansin nyang may isang pares ng tsinelas na naanod.

Namukhaan ni Andong na ang tsinelas ay kay Marlon.

Inantay ni Andong ang kapares.

Binabalik ni Andong ang tsinelas kay Marlon.

Sabi ni Marlon ay ikaw na ang may-ari ng tsinelas na yan.

Tuwang tuwa si Andong.

Masayang masaya sina Marlon at Andong na nakikipaglaro sa mga kaklase nila ng "tumbang preso".

Wakas.

"Maging mabait sa kapwa"

"Kaibigan ay yaman"



 










Comments