Gulay

  Inspired by a true story tungkol sa matandang babae na nagtitinda ng gulay.

Naalala ko noong ako ay bata pa ay nagpupunta kami sa Baguio City sa tuwing bakasyon ng aming uncle na nasa Amerika.

Nagpupunta kami sa magagandang Lugar sa Baguio City tulad ng Burnham Park, Mines View Park , Camp John Hay, Mansion, Botanical Garden, PMA at iba pa kasama ang buong pamilya.

Nagrenta si uncle ng apartment. Pitong araw daw kami doon.

Mabuti na lang wala kaming pasok dahil summer vacation na namin.

Masaya kami sa pamamasyal.

Humanga ako kay uncle dahil napakabait nya at matulungin sya sa aming pamilya.

At mas lalo akong humanga sa ugali ni uncle dahil sya ay maawain.

Isang araw ay namalengke sina nanay, mga auntie ko at iba pa. Kasama rin ako at syempre kasama rin si uncle dahil sya ang magbabayad.

Maraming biniling mga karne, isda, gulay at iba pa.

Pauwe na kami nang may nadaanan kaming babaing matanda na nagtitinda rin ng gulay sa tabi ng kalsada. 

Walang bumibili sa kanya dahil halos nalalanta na ang kanyang mga gulay na talong, sitaw, okra, ampalaya, at iba pa. Lalo na ang malunggay nya ay naninilaw na at halos malaglag na ang dahon.

Nakalagay ang mga gulay nya sa kanyang bilao.

Malapit ng dumilim pero halos wala pang bawas ang kanyang paninda.

May katabi syang nagtitinda ng gulay na isang magandang dalaga.

Malapit ng maubos ang paninda ng magandang dalaga at hindi nawawala ang bumibili sa kanya.

Sabi ni uncle ay mauna na raw kami sa apartment.

Nasa apartment na kami.

Lumipas ang ilang minuto ay dumating na rin si uncle.

May dala dala si uncle na dalawang bayong na punung puno ng gulay.

Binili pala lahat ni uncle ang panindang gulay ng matandang babae.

Tuwang tuwa ang matandang babae na nagtitinda ng gulay. At sinabi nyang may pambili na raw sya uli ng sariwang gulay.

Sumunod na araw ay napadaan kami uli sa matandang babae na nagtitinda ng gulay.

Halos paubos na ang kanyang panindang gulay at laging may bumibili na dahil sariwa pa ang kanyang mga panindang gulay.

Nagpasalamat ang matandang babae.

At sinabi nyang ang katabi nyang magandang dalaga ay hindi na raw magtitinda simula ngayong araw dahil luluwas na ng Manila para pumunta sa ibang bansa.

Wakas.

"Ang pagiging maawain at matulungin ay patuloy ang biyayang dumarating"

"Mula noon sa tuwing bumibili ako ng mga gulay at iba pa ay tumitingin ako sa mga nagtitindang halos walang bumibili"



 

Comments