Pandesal


  Inspired by a true story ng dalawang magkapatid. Sina Mario 8 years old at Pedro 7 years old.

Ang tatay nila ay isang magsasaka. Ang nanay nila ay namatay sa sakit noong sila ay 6 at 5 years old pa lamang.

Masipag ang dalawang magkapatid.

Kapag madaling araw ay maaga silang bumabangon para magtinda ng pandesal.

Magkasama sila sa pagtitinda sa mga bahay bahay sa kanilang baryo. Kung minsan ay nakakarating sila sa kalapit na baryo.

Laging nauubos ang kanilang panindang pandesal.

Tuwang tuwa sila lagi dahil meron silang pera na kinikita sa pagtitinda ng pandesal.

Si Mario ay lagi nyang iniipon ang kanyang kinikita.

Si Pedro ay lagi namang nakikipaglaro sa mga larong may pustahan o kaya ay larong sugal tulad ng "taksing. At natuto na rin syang maglaro ng baraha.

Kung minsan ay nanalo sya kaya tuwang tuwa sya dahil nadadagdagan ang pera nya na kinita nya sa pagtinda ng pandesal.

Kinausap ni Pedro ang kuya nya na maglaro rin para dumami ang pera. Nagalit si Mario sa kapatid nya at sinabihan nyang huwag ng maglalaro at magsusugal dahil pag matalo ay sayang lang ang pera na pinaghirapan sa pagtitinda ng pandesal.

Ngunit patuloy pa rin si Pedro sa pagsusugal hanggang lagi na syang natatalo.

Umabot din ng ilang taon na sila ay nagtitinda ng pandesal.

Pagkatapos nilang magtinda ay pumapasok din sila sa mababang paaralan.

Isang araw ay nakita nina Mario at Pedro na umiiyak ang kanilang tatay. Sabi ng kanilang tatay ay wala raw silang pambili ng bigas at ulam dahil sunud sunod ang bagyo kaya nasisira ang mga pananim ng kanilang tatay.

Kinuha ni Mario ang kanyang naipon na pera at ibinigay sa kanyang tatay.

Nagulat ang kanilang tatay at tuwang tuwa dahil napakaraming pera ang naipon ni Mario.

Sabi ni Pedro ay mag-iipon na rin daw sya simula ngayon para makatulong sya sa kanyang tatay.

Masaya sina Mario, Pedro at ang kanilang tatay na sabay sabay na kumakain.

Wakas.

"Lagi tayong mag-ipon ng pera"

"Huwag magsusugal"

Comments